Lunes, Disyembre 12, 2016

ISYUNG PANLIPUNAN: DROGA

ISYUNG PANLIPUNAN SA PILIPINAS: DROGA





Para sa ating mga pinoy, naniniwala tayo na lahat ng problema ay solusyon. Ngunit, bakit ang problema sa droga sa pilipinas ay palala nang palala?

Ang isyung panlipunan na ito ay tila kasama na talaga sa sistema ng pilipinas. Parte na ito ng ating mundong ginagalawan. Araw-araw, maraming mga balita na tungkol o may kinalaman sa ilegal na droga.

Sa dami ng kaso tungkol sa isyu na ito, masasabi kong hirap na talaga ang gobyerno sa  pagpapatupad ng batas laban sa droga. At isa nang dahilan ay ang korupsyon.
Kahit ako ay isang estudyante lamang, nakakaalarma parin ang sunod-sunod na insedenteng may kinalaman sa droga. Lalo na't maraming myembro nang ating gobyerno ang mismong sangkot sa isyung ito, ang mas nakababahala pa ay mismo ang kabataan rin ang mas naiimpliwensyahan ng ilegal na droga. 

Hindi salamangka ang solusyon upang mawala ang problemang ito. Ang kailangan nalang nating gawin ay icontrol ito upang di na lalaki pa. Sad to say but Drug-Free Philippines is impossible to happen. 

Ang ilegal na droga ay hindi lamang problema nang kapulisan, ito ay problema nang buong bansa kaya't kailangan nito ang ating pagkakaisa.